Ang Boarding House

Share this Story to your Friends
0
(0)

Ang Boarding House

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

From Horror PINOY Facebook Page

 

Hi guys. I’m from Isabela and this story happened in Ilagan Isabela. Taga Roxas, Isabela ako pero dito ako sa Ilagan nag aaral. Nangyare ang kwento na ito sa last boarding house na tinirhan ko. Naka apartment na kasi kami ngayon. Iwas na rin sa ingay ng ibang boarders.

Karaniwan sabi ng ilan, may mga multo daw sa mga boarding house or apartments. So bilang estudyante na malayo ang inuuwian, nag boarding ako. Actually pinalayas kami sa dati naming boarding. Hindi naman sa dahil hindi kami nagbabayad kundi dahil na rin maingay kaming mga boarders at ang iba ay may boyfriend at yung iba patakas na nagdadala sa boarding. Hindi ko naman ginagawa yun pero sumama nalang ako sa kaibigan ko sa paglipat. Somewhere here in Ilagan.May nahanap kaming malapit sa palengke kaya makakatipid kami kasi gulay gulay lang ang ulam namin.

Maganda yung place. May study area sa baba kaso tago yung boarding house at sa dulo pa. May dalawang building doon. Sa pangalawang building kami na may study area sa baba na mukhang hindi naman ginagamit. Sa second floor kami na may dalawang rooms. May balcony kaya maganda. Kaso kami lang ang nakatira.

Ilang araw pa lang kami sa boarding ay marami na agad akong nakilala which is yung dalawa, kadepartment ko naman at kaparehong Civil Engineering ng mga roommates ko. Minsan kasi naiiwan akong mag isa sa room. Umuuwi sila at ako kailangan kong magstay kasi tambak plates ko. So kailangan kong magpuyat at magrush. Sanay naman ako. Ako kasi yung tipo ng babae na hindi matatakutin. Kapag naiihi ako sa gabi lumalabas talaga ako kasi hindi ko ugaling itulog nalang ang ihi o sakit ng tyan ko. Sanayan lang naman. One night, mag isa ko. Inatake rin naman ako ng takot kasi nafeel ko ang nakakabinging katahimikan sa room. Nakakaloka pa ay naghahum na babae. Mahina lang naman pero bes creepy talaga. Iniisip ko na guniguni lang pero naririnig ko talaga. Feeling ko tinatakot ko lang ang sarili ko kaya lumabas na ako ng room. Nagdasal ako at nagmusic ng Christian song. Tinawag ko sa kabilang building si Ate Meanne. Friend ng roommate ko. Nakiki FC naman ako kasi desperado na akong makitulog nalang sa kanila. Tutal arki din naman yung dalawang roommate nila na kilala ko naman at kapwa ko officer yung isa sa uapsa.

So binitbit ko na yung bag kong mabigat. Actually nakitulog na rin ako sa kabilang kwarto dati. Sa classmate ko kaso wala naman sya. Pagdating ko sa kwarto binati ko sila ng ‘Good evening’. Manners lang. Dati nang may kwento sa akin yung mga roommates ko na kinuwentuhan daw sila nila ate meanne na may multo daw sa kwarto nila at active daw ito. Okay lang naman yung room. Maluwang nga e, mas madami pa closet nila.

May lamesa sa gilid ng bintana. Napapagitnaan ng dalawang double deck. Sa higaan ng pinsan nila ako nahiga. Umuwi daw ito. So nakipagchikahan muna ako sa kanila. Humiga din ako at nagbasa basa kasi may libro sa higaan niya. Tumapat ako sa bintana. Ayoko kasi humarap sa may pintuan at kinakabahan ako sa kwarto nila. Malay ko ba kung magpakita sa akin yun. Wala naman akong idea kung ano itsura nun. Saka sabi nila kapag hating gabi minsan kahit umaga kahit wala namang tao may naririnig silang umaakyat at bumaba sa hagdan galing rooftop e wala namang tao don. Nag goodnight na ako sa kanila.

Nakakaloka lang bes. Nagising ako ng madaling araw. Kinabahan naman ako. Ayokong dumilat. Hinanap ko yung cp ko sa gilid para may ilaw ako. Nagpray naman ako bago matulog e pero bakit nagising pa rin ako ng madaling araw. Deadbat na cp ko kaya di ko mailawan ang palagid. Bakit patay yung ilaw? Ang alam ko hindi sila nagpapatay ng ilaw. Malabo pa naman yung mata ko. Hindi ko rin mahanap yung salamin ko. May nakikita pa naman ako kasi 300 pa lang naman grado ng mata ko at may ilaw na nanggagaling sa bintana. Pagtingin ko sa bintana bes syempre makikita ko muna yung lamesa. Iniisip ko kung bakit parang lumaki yung pitsel. Bes may hugis akong nakita. Parang maliit na tao. Nakaupo sa lamesa. Nakataas ang paa. Alam mo yung upo ng matanda na may tb? Ganun bes. So ako inaantok naman na at medyo kinabahan na. Hindi ko nalang pinansin tutal hindi naman ako sure kung ano yun. Paggising ko malinis naman yung lamesa at wala naman silang kurtina. Super liit din ng pitsel nila bes. Kinabahan ako pero hindi nalang ako nagsalita.

Nagpaalam na ako. Mga dalawang buwan din kami sa boarding house na yun. Masaya nga kami doon e kaso walang signal. Hindi ako macontact ng mga classmates ko saka nila mama. Palagi pa kaming pinapagalitan ng landlady naming matanda na patayin daw namin yung ilaw sa balcony. Bes paano naman kami magluluto sa gabi kung ganun. Sabi pa magtipid ng tubig. Nagbabayad naman kami tsaka sakto lang ang gamit namin sa tubig.

After few months. Nakalipat na rin kami ngayon dito sa new apartment namin. Ilang buwan na din mula nang umalis kami kila ate meanne. Bumisita sila ate meanne sa amin. Kwentuhan, kainan hanggang napunta yung topic sa akin. Adik daw kasi ako sa spookify at baka lapitan na ako ng multo kasi basa ako ng basa. Expert na nga daw ako sa mga aswang at multo. Si kuya julius naman bf ni ate meanne, nagkwento about sa mga experience niya sa boarding nila ate meanne. So ako naman nacurious at kinuwento yung story ko doon sa boarding na yun. Sabi ni kuya yung bata daw yun. Hindi ako makapaniwala na totoo. Bata daw talaga multo doon at muntik pa syang totally na masapian. Kasi may pilay daw sya nung time na yun. Biglang nagbago pakiramdam niya nung natulog sya doon. Tinitignan daw sya ni ate meanne. Masama ang tingin nya bigla at sinipa nya pa sa pader yung paa niya. Napilay nga sya diba? So nasipa nya ng sobrang lakas yung pader. Buti nalang natauhan ito nung nagdasal na si ate meanne.

Sabi niya bata daw yun. Sabi ko anong itsura kasi parang anino lang yung nakita ko nung natulog ako doon. Sabi niya malaki daw mata nito. Hindi yung malaki na mata na bilugan or parang lumuluwa kundi malaki talaga. Imagine mo nalang na yung mata mo hanggang noo ang laki. Ganun kalaki. Sa pagkakaalala ko nakaharap sakin yung bata nung time na yun. Hindi gumagalaw. Siguro nakatingin lang. Malalaman mo naman kung nakaharap o hindi e. Sabi ni hindi daw kaluluwa yun. Baka demon or entity. Kinilibutan ako. So ganung kalaking mata yung nakatitig sa akin nung natulog ako dun.

M.G.D.C

 

Source: Facebook Page

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment