Check-in

Share this Story to your Friends
0
(0)

Check-in

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By j.co

 

Nangyari ito isang Holy Week.

 

Kakatapos lang ng shift ko bilang isang call center agent. Napagkasunduan namin ng aking mga kaibigan na sa Mt. Province kami maghoholy week ngunit dahil sa trabaho ay nagsabi akong susunod nalang ako.

 

Good friday na, after ng shift ko dumiretso na ko sa bus station papuntang Baguio City. 6 am nang umalis ang bus sa cubao at nakarating ako sa baguio ay mag aalas dos na. Pumunta agad ako sa terminal ng bus papuntang Mt. Province ngunit pag punta ko doon ay wala na palang bus. Kakaalis lang daw ng huling byahe papuntang Sagada at wala nang kasunod dahil bukod sa Biyernes Santo ay aabutin na daw ng dilim sa mga bangin ang bus kung may aalis pa.

 

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang mag isa. Naghanap ako ng mga pinakamurang hotel at nakahanap naman ako agad sa di kalayuan. Isang room na lang ang available dahil madami daw turista sa Baguio pag Holy Week, double beds, wala na kong pamimilian kaya naman kinuha ko na.

 

Habang nakahiga ako sa kama at nakikipagchat sa mga kasama ko na nasa Mt. Province ay parang nakarinig ako ng mga nagbibilang ng coins sa kabilang kama. Lumingon ako agad dahil akala ko may nakapasok sa room ko pero wala naman. Di ko na pinansin at lumabas ako para magkape sa baba. Paglabas ko ng room ay napakadilim ng buong hotel, madalang ang maliliit na ilaw na nasa mga kanto lang ng mga room.

 

Nagkakape na ko sa baba ng tila may naaninag akong umakyat sa hagdan. Hindi ko na din pinansin dahil alam kong naka-lock ang pinto ng room ko at hawak ko naman ang susi. Pagkatapos kong magkape ay bumalik nako sa taas para matulog. Laking gulat ko nang pag bukas ko ng pinto ay tila may nakatalukbong na nakahiga sa kamang gagamitin ko at sabog sabog ang lahat ng gamit na iniwan ko naman sa kabilang kama kung san ko narinig na may nagbibilang ng coins kanina!

 

Kinilabutan ako dahil naka-lock naman yung pinto ng room pero dahil sa pagod at antok, nilapitan ko ang kama ay natuklasan kong wala naman talagang nakahiga.

 

Matutulog na ko, nagtalukbong ako dahil natatakot nako ngunit laking pagkasindak ko nang may marinig akong kumakanta ng isang salitang igorot sa tapat mismo ng unan ko! Napadasal na lang ako hanggang sa makatulog.

 

Pag sapit ng umaga, agad akong nagcheck-out, sakto at parating narin pala sa baguio ang mga kasama ko, sa labas ko na sila inantay. Pagdaan ng van na nirent ng mga kasama ko mula Mt. Province ay nagtanong yung driver kung bago lang daw ako sa Baguio, sabi ko naman ay oo. Aniya, madami daw nagchecheck in sa hotel na yon dahil nga mura ngunit napakarami daw nagpaparamdam doon mula nung lumindol nung 1990’s, marami daw bangkay na doon muna dinala bago kunin ng mga punerarya at ng mga kaanak nito.

 

Hindi ko malilimutan yung araw nayon at nangako ako sa sarili ko na hinding hindi nako magchecheck-in mag-isa.

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment