Damsel in Distress

Share this Story to your Friends
4
(1)

Damsel in Distress

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By Migzylicious

 

Sikat! Gwapo! Matangkad! Mestiso! May asawa! Pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagwapuhan!

Yan si Vincent Calye , newly-wed with her lovely wife Ezza Mae Shuning-Calye . At kasalukuyan silang naninirahan sa bago nilang bahay sa Manila.


”Wow ¬†ang ganda naman dito, HONEY!” masayang sabi ni Ezza sa asawa habang binabaybay ang bago nilang tirahan.

” Lalalalalala…” sa di kalayuan nakarinig si Ezza ng babaeng kumakanta, sinundan niya ang tinig ng babae. Hanggang mapunta siya sa balcony .

Doon niya nakita ang isang babaeng nakauniporme , mataas ang buhok at maputi . Kinalabit ni Ezza ang babaeng nakauniporme .

”Lalalalala…”

At sa kanyang paglingon — dun na napansin ni Ezza na wala pala itong dalawang mata!

”AAAAAAAAHHHHHH!!” sigaw ni Ezza . Dali-dali namang pinuntahan ni Vincent ang asawa.

”Anong nang-” napatingin si Vincent dun sa babaeng nakauniporme.

”Hi Vincent…. ” sweet na bati nung babaeng nakauniporme . Nabalot naman ng takot ang buong katawan ni Vincent sa dahilang wala itong mga mata.

”Remember me? Your number 1 fan. . .” pagpapatuloy nung babaeng nakauniporme. At OO naalala ni Vincent ang babaeng nakauniporme , siya lang naman si …

”S-Serene? D-d-diba p-patay k-ka n-na?” nauutal na tanong ni Vincent.

Naalala na ni Vincent si Serene — siya yung girl na patay na patay sa kanya noon pa .

Palagi siyang nagpapadala ng sweet notes para kay Vincent ngunit hindi ito pinansin . Palagi siyang gumagawa ng lunch para kay Vincent ngunit hindi ito nagugustuhan ni Vincent. At nung araw na magtapat si Serene kay Vincent — ito ang tanging sinagot ni Vincent sakanya ”Ampangit mo pala pag malapitan ¬†DULING !!!! WAHAHAAHAAHA”. Dahil sa depresyon napagdisisyunan ni Serene na tusukin ng barbeque stick ang dalawa niyang mata na sanhi naman ng pagkamatay niya.

”Hihihihi , patay na ang katawan ko pero puso’t kaluluwa ko’y buhay pa rin ng dahil sayo…”

With all his strength nagawang makapagsalita ni Vincent kay Serene ..

”Ano bang kailangan mo Serene?”

”Ikaw . . .” sweet na sabi ni Serene tsaka lumapit kay Vincent habang kumakanta.

”Lalalalala…”

”Hindi na ako duling , hmmm maganda na ba ako Vincent?”

Hindi na nagawang makapagsalita ni Vincent —

”Hmmm , siguro mas maganda kung pareho tayo. Lalalalala..”

”A-anong ibig mong s-sabihin?”

”Hayyss , nakakalungkot isipin pero kailangan kong gawin makasama ka lang habang buhay hihihi … ” kumuha si Serene ng dalawang barbeque stick sa kanyang bulsa.

”Iwan mo na ako! May asawa na ako Serene!” sigaw ni Vincent pero halatang kabado ito .

”Hihihihi , don’t worry it wont hurt .” sabi ni Serene kay Vincent habang hinahaplos nito ang mukha ni Vincent.

Gustong tumakbo ni Vincent pero hindi niya magawa , parang ice na nafrozen ang kanyang katawan dahil sa takot!

Then TSUUUUKSSS

Click on a star to rate it!

Average rating 4 / 5. Vote count: 1

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment