Jollibee Scare (Short Story)

Share this Story to your Friends
0
(0)

Jollibee Scare (Short Story)

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By Jien of Maymomoo!

 

6 na taon akong naging Assistant Restaurant Manager sa isang branch ng Jollibee sa Cubao, hindi ko na sasabihin ang branch, pero ang branch namin ang pinakamalaki at pinaka-matagal nang branch sa paligid ng Araneta (kayo na humula). At sa 6 na taon na yun, maraming katatakutan ang na-experience namin sa store na yun.

 

2009, Bagyong Ondoy, ilang araw sarado ang store namin dahil binaha hanggang bewang ang basement kung saan andun ang stockroom at crewroom. Nang bumuti ang panahon, nagpuntahan ang mga crew at manager para linisin ang putik na iniwan ng baha.

 

Si Santino, crew namin, bumaba sa basement para mag-mop ng sahig na puno ng putik. May dala syang flashlight dahil napakadilim dun kasi wala pang kuryente non. Habang hawak ang mop at flashlight sa magkabilang kamay nakarinig sya ng kaluskos. Ang sabi nya tulad yun ng tunog ng mga kuko na kumakaskas sa plywood na pader. Itinaas ni Santino ang flashlight at inilawan ang paligid ng crewroom. Wala syang nakita.

 

Nagpatuloy sya sa pag-mop, nang biglang marinig ulit ang kaluskos. Inilawan nya ulit ang paligid. Nang matapat ang ilaw ng flashlight sa maliit na dressing room, nakita nya bukas ang pinto, at may sapatos sa sahig. Inakala nyang splasher lang yun ng ka-crew nya na naiwan. Pero nang dahan dahan nyang i-angat ang flashlight, nakita nyang may binti, may hita, may bewang, pataas sa tyan hanggang dibdib. Nakita nya, isang lalaki, naka-slacks at polo at mahaba ang buhok. Hindi tuwid ang pagkakatayo nito, parang puppet na may naka-kabit na sinulid sa leeg, at sa magkabilang siko, naka-bend din ng konti ang mga tuhod.

 

Namumutla si Santino nang makita naming tumatakbo sya paakyat ng hagdan. Pagkatapos nyang ikuwento yung nakita nya, hindi muna kami nagpa-baba ng kahit sino sa basement hanggat hindi pa bumabalik ang kuryente at ilaw.

 

Jerome Gonzales
Photo by Jerome Gonzales

 

Comment ni Jerome sa post ny Maymomoo! site.

Jerome Gonzales: yan ung entrance sa receiving ng stock pababa dna sya binubuksan matagal na pero my daan yan yata sa loob ng store pababa

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment