Nanay

Share this Story to your Friends
0
(0)

Nanay

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By Vae of Maymomoo

 

Good day! This is my first time to share a story. Actually, tong story po na isheshare ko ay hindi ko experience, experience po ito ng cousin ko back in 1999.

7years old po ako ng mangyari itong experience ng pinsan ko na itago na lang natin sa pangalang Oliver, 4years po ang tanda nya skin, bale po yung lolo ko at nanay nya ay magkapatid so tito tawag ko sa kanya. Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung civilized ang mindoro, madame pang puno at konti pa lang ang mga bahay nun kahit sa mismong centro ng bayan. At nung mga panahon pong iyon ay usong-uso pa ang mga kababalaghan sa mga probinsya.

May 18 saktong 12am naganap ang pagsalubong ng kaarawan ng isa kong tito na itago na lang natin sa pangalang Chito. Dumating ang kanyang mga kasamahan sa simbahan at kinantahan po sya, ang tawag po nila dito kung hindi ako nagkakamali ay “Manyanita”. At dahil nga po nagsisimula na ang handaan ginising na po kami at pinuntahan na ng mga nakakatanda ang mga pinsan namin sa kani-kanila nilang bahay, at isa nga sa ang bahay ng pinsan ko na tito oliver ang pinuntahan.. that time, si tito oliver at si lola Carmen(nanay ni tito Oliver) lang ang nagising. At dahil nga tutulong pa si lola Carmen sa handaan ay nauna na syang pumunta at pinasunod nya na lang si tito oliver.

“Oliver sumunod ka na lang at ako’y tutulong pa dun” wika ni lola carmen. ‘opo nay’ sagot naman ni tito oliver. Nag-inat sya ng katawan, kinuskos ang dalawang mata at tumayo na. Paglabas nya ng bahay nila ay umihi sya sa tabi ng punong kamyas at nakita nya ang nanay nya na nakaupo sa dalawang sako ng ipa(balat ng palay) na katabi din ng punong kamyas, nakayuko ito at natatabunan ang kanyang mukha ng napakahaba nyang buhok.

‘o nay akala ko ba mauuna ka na’ wika ni tito oliver habang umiihi. ‘ayusin mo nga yang buhok mo nay, mukha kang bruha ay, itali mo nga yan’ wika ni tito oliver pero nanatiling nakayuko at hindi umiimik si lola carmen. ‘tapos na ako, tara na nay’ wila ni tito oliver at sabay lakad papunta sa ina. Nagtaka sya nang mapansin nyang unti-unting umiiksi ang buhok ng nanay na nakaharang sa mukha nito na tila ba may buhay ito na gumagalaw ng kusa. Nakatitig lang daw cia sa buhok ng nanay nya hanggang sa halos wala nang buhok na nakaharang sa mukha ng nanay nya, at halos manlamig sya nang makita nya ang mapupula at nanlilisik na mata ng babaeng akala nyang nanay nya.

‘ASWANG!!!!’ sigaw ng tito oliver ko sabay takbo ng sobrang bilis ngunit hinabol din sya ng sinasabi nyang aswang. Nang lingunin ito ni tito oliver ay nakita nyang wla itong paa. Takbo, iyak, sigaw lang ang nakagawa ni oliver habang hinahabol sya ng aswang.

And that time din ay umihi ang papa ko sa likod ng bahay nila tito chito, at ayon kay papa ay kitang-kita nya daw si tito oliver ni hinahabol ng parang isang maitim na usok at nang makita ni papa na malapit na kay tito oliver ang maitim na usok ay sumigaw si papa. “Hoy!!!” Sigaw ni papa at bigla daw huminto ang itim na parang usok at pumunta sa pinakamadilim na parte ng bakuran at biglang nawala. Tumakbo papumunta si tito oliver kay papa nang marinig nyang sumigaw si papa. “Tulungan mo ako kuya, a-aswang yun, aswang yun!” Nauutal na wila ni tito oliver kay papa.

Lahat kami ay nagulat sa pagsisigaw nun ni tito oliver, at ng makarating na sila ni papa sa bahay nila nanay ay sobrang nanginginig sa takot si tito oliver at iyak ng iyak, pinainum sya ng tubig ng lola ko ngunit di sya makainum dahil nabibitawan nya ang baso sa sobrang panginginig ng katawan dahil sa takot. Umiyak na rin si lola Carmen dahil sa nangyari sa kanyang anak. Pinakalma muna nila si tito oliver at lahat kami ay nagdasal…

The end. Thanks for reading.

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment