The Gifts

Share this Story to your Friends
4.5
(2)

The Gifts

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By VladBerd1992 of Maymomoo!

 

Magandang araw sa lahat ng mga subscribers nyo po. Na ganahan akong mag send din ng mga karanasan ko nong bata pa ako, mga edad 5-6 years old.

 

 

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig, ma aamoy at mahahawakan ang mga elemento na hindi nakikita ng ibang tao. Nag umpisa yung ganitong kakayahan ko mula nong sumakit ang ulo, nagususuka at hindi makatulog sa gabi. Diko yun sinabi sa mga magulang ko dahil nasa Maynila silang dalawa at naiwan kaming magkakapatid sa lola ko sa mother side.

 

 

Sa probinsya po kami ng Antique nong mga time na yun. Ng kunin kami ng mga magulang namin at dalhin sa Maynila don po naging malakas ang kakayahan ko. Na sa murang edad di ko po alam kung ano iyon at akala ko po ay normal lang na makakakita ako ng mga bagay bagay na yon.

 

 

Nong nasa Maynila na po ako, tumira kami sa bahay ng Tito ko Pasay. At di rin tumagal nakahanap din ng trabaho ang mga magulang ko sa Pasig. Tapos naghanap na lang kami ng bahay na pwede naming matirhan malapit sa pinagtratrabahuhan nila. Ayon naglibot kami ng Nanay ko sa lugar na yon. Marami din kaming napuntahan kaso masyado syang mahal at maliit lang naman ang kinikita ng magulang ko bilang factory worker. Nagpahinga muna kami sa isang bantayan ng sasakyan kasi may silong doon. Tapos sa poste may nakalagay na Apartment for Rent. Pinuntahan namin yun ng Nanay ko. Tanda ko hapon na yun, yun nga nag usap sila ng may ari ng bahay. Maganda naman yung bahay sa labas pang mayaman sya. Habang yung nanay ko at yung may ari ng bahay ay nag uusap, andon muna ako sa labas naglalaro ng Voltis 5 ko na robot na regalo ng Tito ko sakin. Tapos yung nanay ko umikot sa loob ng bahay. Sabi nya maganda daw at sobrang mura. Tinawag ako ng nanay ko para ipasilip sa kin yun magiging kwarto naming magkakapatid 3 pa lang kami nun (ngayon 5 na kami). Bago ako pumasok don sa pintuan biglang may kung anong pwersa ang pumigil sa akin at di ako makapasok. Yung dalawang kamay nakahawak don sa gilid ng pintuan habang yung dalawang paa ko ay nasa edge ng pintuan papasok. Tapos yung katawan ko ay naka baluktot na para bang tinutulak palabas. Dalidali akong binuhat ni Nanay palabas ng bahay at nagtaka sya bakit ganun ang mga nangyari. Hanggang sa may nakita ako malapit sa hagdan ng parang batang babae nakaputi ito maitim ang mukha naka ponytail ang buhok.

 

 

Sa likod ng bata may nakita akong may nagtatago na parang mabuhok. Ang kanyang matutulis na mga kuku ay nakabaon sa ulo ng batang babae na makikita mong pagod na pagod na. Itinuro ko ito sa Nanay ko at sabi daw nila wala daw silang makita. Sinabi ko na kun ano ang itsura ng bata at bigla na lang umiyak ang may ari ng bahay. Pero di ko sya pinansin dahil may nakita ako sa likod ng bata na nakasilip. Isang matang naglalakihan at kulay puti ito lahat. Itim ang buong katawan nito at mabuhok.

 

 

Natakot ako sa murang edad na iyon ay nakaranas ako ng kahindik hindik na karanasan. Isinalaysay ng may ari ng bahay kung ano ang totoong nangyari sa bahay na iyon. May anak daw silang batang babae ka edad ko. Masayahin daw ito ngunit ng binili nila ang bahay at lupa na yon don nagsimula ang pagbabago ng kanyang anak. Hindi na daw ito natutulog kahit anong gawin nilang mag asawa. Ilang doktor daw ang nilapitan nila mga alburalyo pero di pa rin bumabalik sa dati ang kanyang anak. Hanggang sa natagpuan na lamang nila itong wala ng buhay sa kanilang bathtub. Magmula nun umalis na sila sa bahay na iyon. Pinilit nilang ibenta ngunit walang bumibili. Marami na daw tumira doon na dating mga boarders pero walang nagtatagal, nagkakasakit daw mga anak nila. Hanggang sa kami ang gustong kumuha ng apartment. Humihingi ng tulong ang ina ng bata para mapalaya ito sa kung ano mang elemento ang aking nakita. Pero takot ang nanay ko na makipagsapalaran dahil napaka bata ko pa daw. At takot sya na baka ako naman ang sunod na kunin ng elemento na yun. Hanggan dito na lamang po ang aking kwento. Abangan po ang part 2 ng kwentong ito.

Click on a star to rate it!

Average rating 4.5 / 5. Vote count: 2

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment