Toll Plaza

Share this Story to your Friends
0
(0)

Toll Plaza

Filipino Horror/Ghost stories and Scary Encounters

By mamoru

 

Naikwento lang saken ito ng kasamahan ko sa trabaho noong ako ay nagtatrabaho pa sa toll gate

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng shuttle sa mga toll gate o ang tinatawag naming toll plaza kung kayat kame ay sabay sabay na dumadating sa plaza puera nalang kung late ka dahil ikaw ang didiskarte mismo kung paano ka makakadating sa plaza mo. Pang umaga ang shift ko na ang sisimula ng 5:30 AM and umuuwe ng 2:30 ng hapon bago kame mag duty ay napag kwentuhan namen ang isang teller na kahapon nangyare noong araw na yon, (dibale kung tuesday kame pumasok, noong monday nangyare)

Pang 2:30 pm – 10:30 pm ang shift nya at isa syang babae, mga bandang 8:00 pm ito nangyare Habang naka duty ay nagtataka sya ng pagsapit ng mga ganoong oras ay dagsa na ang mga motorista ngunit wala pa den ni isang dumadaan.

 

Sa EXIT sa nai-assign kung kaya sa kanya magbabayad ang mga nanggaling sa express way,

 

Maya maya lamang ay may dumaan na vintage car na may sakay na dalwang magasawa na may suot na makaluma, yun bang panahon pa ng kastila. Dahil hindi pa ticket ang mga ini-issue noong mga panahong iyon card ang iniabot sa teller (siguro kasabay na den ang bayad nung motorista dahil nag transact ang teller) at nagtransact naman ang teller, noong time na iaabot na nya ang sukli  ay biglang unti unting naglaho ang motorista habang nakatingen sa daanan, na shocked ang teller at pagkatapos non biglang doon dumagsa ang mga inaasahang mga motorista, nung time na yon nagninig at nag-hysterical ang teller at di na makapagtransact pinapull out sya ng bisor nireview ang CCTV at totoo ngang nagttransact ang teller ngunit walang katapat na motorista ang pinagtataka ng bisor ay kung papano na detect ng system na may sasakyan sa booth na iyon at para umangat ang barrier na hindi man lang pinipindot ng teller ang by-pass button.

Hindi lang yan ang mga nakakatakot na karanasan sa toll plaza na aking narineg meron ding pang iba na tulad ng bata na bumibiten sa barrier na sa CCTV lang nakikita. Ang bangungot sa iisang booth na pareparehas lang na tungkol sa mga duguang mga lalake na humihingi ng tulong.

Hanggang dito nalang
Salamat sa pagbabasa.

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this story.

Share this Story to your Friends

Leave a Comment